(source:akosimell)
Ganito Ako AFTER TWO WEEKS ng PASUKAN! TAMAD-TAMARAN !
Dito sa mundo ng internet, ‘di talaga maiiwasan ‘yung mga tinatawag nating, haters. Bakit nga ba nagkakahater ang isang tao? Iba iba yan e. Pwedeng dahil ‘di siya sangayon sa mga opinyon mo, may nasabi kang ‘di niya nagustuhan, ‘di niya gusto ugali mo, naiingit siya sayo, wala lang siyang magawa at marami pang iba. Umaabot sa punto na nagagawa kang siraan ng mga taong ‘to.
Ano nga bang dapat gawin pag may naninira sayo o may hater ka?
Para sakin, ‘di ka dapat magpaapekto lalo na kung alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo. Sabi nga, pag binato ka ng bato tapos ‘di ka natamaan, sisigaw ka ba ng aray? Hindi naman diba? Kasi nga, ‘di ka naman natamaan. Parang pag may naghate sayo, kailangan mo pa bang sagutin kahit alam mo sa sarili mong ‘di naman totoo? Hindi.
Sayang lang sa oras yang mga yan.
Hindi mo kailangan patulan ang makitid nilang utak. Pag sinagot mo, may mapapala ka ba? Wala. Mapapagod ka lang. Pag pumatol ka, lalo ka lang nilang guguluhin. Pag pumatol ka, pwedeng makita ng mga ibang tao ‘yung pagrereact mo sa ganung mga bagay. Dyan ngayon papasok ‘yung mga tinatawag nating “sawsaw”. ‘Yung tipong wala lang silang magawa at dahil nakikita nilang apektado ka sa nanghehate sayo ay makikihate na rin sila, para masaya! See? Nakatulong ba? Hindi. Mas lumala lang. Pag ‘di mo pinansin, mapapagod at magsasawa din yang mga yan. Makikita nilang wala silang napapala sa paninira sayo. Sino ngayon talo? Sila.
Alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo. So bakit kailangan mo pang labanan o magpaliwanag sa mga taong alam mong ‘di ka naman pakikinggan? Oo ayaw mong sinisiraan ka ng mga hater na yan kaya gusto mong lumaban. Pero ano ba mapapala mo sa paglaban sakanila? Wala. Tinitigil ba nila pang hehate sayo? Hindi naman diba?
Maniwala ka nalang sa KARMA.
Wag mong pag aksayahan ng panahon ‘yung mga taong mapanghusga dahil hindi sila deserving makakuha ng kahit katiting na atensyon mula sayo. Ibuhos mo nalang ‘yung panahon mo sa mga taong nagmamahal at mahalaga sayo tulad ng mga kaibigan at pamilya mo. Mas deserving sila sa oras at atensyon mo.
Source: gavingalvez
(source:akosimell)
Mahirap makahanap ng TUNAY na kaibigan mula sa internet world. Hindi natin alam kung sino sa mga nakaka usap natin ang totoo at ang plastic. May mga tao kasing nanjan lang pag malungkot at nag iisa sila. Yung lagi mo silang kausap pag malungkot sila, binibigyan mo ng mga payo tsaka pinapangiti mo. Pero pag nakahanap na sila ng taong mamahalin niya, bigla ka nalang iiwan sa ere. Yung:
Hindi niya lang alam kung gaano kasakit yung maiwan ng mag isa. Yung walang kasama, walang kaibigan. Sana maisip mo yung lahat ng ginawa ko nung ikaw yung nasa kalagayan ko.
(source:akosimell)
Sa buhay, binibigyan ka ng test para may matutunan kang lesson.

And the hearts all over the world tonight
Said the hearts all over the world tonight .
(source:akosimell)